Una sa Balita

Wedding gown ni Alex yaring S’pore

0 380

Lalong dumoble ang excitement ng mga fan sa magaganap na kasalang Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Sa Instagram story kasi ng ate ni Alex na si Toni, halatang mas excited siya sa kapatid niya dahil ipinost nito ang kaunting pasulyap sa pagsusukat o pamimili ng gown ng kapatid.

“Celebrating coz we finalized the wedding gown that she will wear. (Heart emoji) yehey! We have a dress na!” sey ni Toni.

Ayon pa sa mga IG update ng dalawang magkapatid, sa Singapore nila na-finalized ang susuoting gown ni Alex.

January 16 nga kasabay ng birthday ni Alex ng kanyang ianunsyo na engaged na siya sa kanyang long-time boyfriend na si Mikee.

Noong birthday naman ni Toni ay sinabi ni Alex na excited na siyang maka-chikahan at maka-relate sa ate niya tungkol sa pagiging “wifey”.

Well, mukhang lahat nga ay nakatutok at excited na sa most awaited wedding of the year. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More