Una sa Balita

We Win as One

0 271

NAGSIMULA na ang 30th Southeast Asian Games sa magkakahiwalay na venue sa ating bansa na may motto na “We Win as One”.

Kalahok ang 11 bansa na host Philippines, Myanmar, Laos, Thailand, Vietnam, Cambodia, Malaysia, Singapore, Brunei, Indonesia at Timor-Leste.

Nawa’y sama-sama tayo manalangin ng ikakatagumpay ng nasabing regional sports competition na katatampukang ng 8,750 athletes at officials.

Nitong Huwebes ay nagdaos din ng chess sendoff party 2019 SEAG sa Tektite Tower ng Philippine Stock Exchange Centre sa Ortigas Center, San Antonio, Pasig ng pamunuan ng National Chess Federation of the Philippines at nagbigay ng magandang mensahe sa pambansang koponan sina Deputy Speaker Rep. Prospero ‘Butch’ Pichay Jr., dating Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, Atty. Ruel Canobas at Atty. Joe Aspiras.

***

Ang para ko nang kapatid, kumpare, kaibigan at katukayo na si Rogelio ‘Banjo’ Barcenilla Jr. ang hinirang na overall champion sa taong ito ng 2019 Philippines National Chess Championship na tinampukang ‘Battle of the Grandmasters’ sa Philippine Academy for Chess Excellence sa Quezon City.
Nakopo niya ang isa sa dalawang slot para katawanin ang bansa sa 2020 World Chess Olympiad na gaganapin sa Moscow, Russia.

Congrats bro Banjo, ang two-time (1989 at 1990) Asian Junior champion sa India at Dubai at 1991 bronze medalist sa World Juniors Championship sa Romania.

Si Banjo ay huling nagkampeon sa National­ Open noong 1996 sa Far East Bank National Chess Championships.

Nasilayan din siya sa 8th Annual Phoenix Open Chess Championship na umarangkada sa Unity Chess Club sa Mesa, Arizona sa pagtatangka sa kanyang ika-7 sunod na titulo.

***
Tuloy na tuloy na ang ‘Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran’ FIDE rating rapid chess tournament.

Isa itong inter-school Rapid Chess Championship para sa kiddies 14 years old and below at women’s open sa Disyembre 14, Sabado sa 2nd Floor Open Kitchen Restaurant sa Rockwell Business Center sa Sheridan, Greenfields District sa Mandalu­yong City.

Ito ay susundan sa Disyembre 15, Linggo, ng kiddies 12 years old and below Lee-Ann Fidaire Inter School Rapid Chess Championship sa nasabing lugar.

Mag-call o text kay tournament manager Genghis Imperial sa 0926-2514205.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy