Una sa Balita

We will survive!

By
0 118

Buong pagmamala­king sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabubuhay ang mga Filipino kahit walang anumang tulong na manggagaling mula sa Amerika.

“We will survive without the assistance of America. We will survive without the assistance of America. There will be a lesser quality of life, but we will survive,” pahayag ni Duterte na nasa Tokyo para sa kanyang 3-araw na official visit nang magtalumpati sa Philippine Economic Forum.

Kasabay nito ay hinimok ni Duterte ang mga negosyanteng Hapon na magpunta sa Pilipinas at mamuhunan.

“Maybe if you (Japanese businessmen) come to the Philippines, you just have to contend with the new dynamics of my country,” sabi pa ni Duterte.

“We will count on Japan for support in rural development and agriculture,” dagdag ng Pangulo.

Nanindigan din ang Pangulo na hindi pinapayagan ng kanyang gobyerno ang anumang extrajudicial killings sa gitna ng giyera kontra illegal drugs ng kanyang administrasyon.

“I assure you. It was never a ‘state-sponsored’ killings. Narco politics is already in my country. I lose an average of policemen, soldiers a day in the war on drugs,” dagdag pa nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy