Una sa Balita

WB inurot ni Trump: China ‘wag pautangin

0 400

Nanawagan si US President Donald Trump sa World Bank (WB) na ihinto na ang pagpapautang sa China.

Ang apela ay ginawa isang araw matapos aprubahan ng WB ang lending plan sa Beijing sa kabila ng pagtutol ng Amerika.

Ani Trump, masyado nang mayaman ang China para mangailangan ng international aid.

“Why is the World Bank loaning money to China? Can this be possible? China has plenty of money,­ and if they don’t, they create it. STOP!” tweet ni Trump nitong Biyernes.

Paliwanag naman ng WB, unti-unti nilang binabawasan ang pinapautang sa bawat bansa kapag yumayaman na ito.

“World Bank lending to China has fallen sharply and will continue to reduce as part of our agreement with all our shareholders including the United­ States. We eliminate lending as countries get richer,” anang WB sa isang pahayag.

Nitong 2019, pinautang ng WB ang China ng $1.3 billion, mas mababa ito kumpara sa nautang ng China na $2.4 billion noong 2017. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More