Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wawa naman si Mikael: Megan aso ang katabi sa pagtulog

0 166

Sa halip na magalit dahil naitsa-puwera na matulog katabi ni Megan Young, ikinatuwa pa at itinuring na cute ni Mikael Daez ang kanyang sitwasyon at itsura ng asawa at alaga nilang aso.

Pinoste ni Mikael ang mga larawan ni Megan na mahimbing na natutulog at nakabalot ng comforter. Katabi ni Megan sa unan at nakabalot din ng comforter ang kanilang aso.

“It’s midnight and i’m about to sleep. As i turn in to grab the blanket, i find these two fast asleep and snuggled tightly together…i guess i’m going to sleep at the foot of the bed without blanket tonight…they’re too cute for me to bother…also sharing the floor plan for how i will sleep tonight #TooCuteForMyLife,” sey ni Mikael.

Anyway, habang wala pa silang anak, ang kanilang pet dog ang itinuturing nilang baby.

***

SM food to go Banner Ad

Anne sinisiksik sarili sa ‘Showtime’

Nanatili sa kanyang desisyon at prinsipyo si Anne Curtis na hindi niya iiwan ang noontime show nyang “It’s Showtime”. Tinanong nga si Anne ng mga fan kung babalik pa ba siya sa Showtime.

Mahigit isang taon na ngang naninirahan si Anne, kasama ang asawang si Erwan Heussaff at baby nilang si Dahlia, sa Australia. Naabutan ng pandemya sina Anne sa Australia.

“Good morning! As i told my Showtime family during a private conversation. I will never leave It’s Showtime. Been with them since day 1 and will be them until the day comes that the show has to say goodbye. But for now, mummy duties lang ako,” sabi ni Anne.

Well, mukhang isisiksik nga ni Anne ang sarili sa Showtime pag nakabalik na sila ng Pilipinas, lalo na at marami ang nagsasabi na magandang replacement naman si Kim Chiu sa kanya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.