Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Water tank bumagsak, 2 senior nadale

0 43

Iniimbestigahan na ng Caloocan City government ang pagbagsak ng isang malaking water tank sa lungsod nitong Sabado.

Dalawang senior citizen ang sugatan sa nangyari sa isang subdivision sa Palmera Spring Phase 1, Barangay 175, Camarin, ayon sa report.

Nasa dalawang bahay at walong sasakyan din ang nawasak sa insidente bago umano mag-alas 5:00 ng madaling-araw.

Ayon sa residenteng si Arnold Ongchangco, tinangay siya ng tubig nang sumabog ang water tank.

Nasugatan lamang siya ngunit nasira ang kanyang motorsiklo. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.