Una sa Balita

Water shortage kasalanan ng gobyerno — MWSS

By
0 294

INGINUSO ng Metropolitan Waterworks and Se­werage System (MWSS) sa gobyerno ang salto kung bakit nagkakaroon ng problema sa supply ng tubig.

Ito ay dahil nito lamang nakalipas na dalawang taon natutukan ang problema, pangunahin na ang target na makapagpatayo ng bagong water source.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, nito lamang Duterte administration nasimulang maisulong ang flagship projects sa kabila ng matagal nang alam na magkakaroon ng shortage dahil sa pag­laki ng populasyon at pagtaas ng demand.

Paliwanag ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ang hatian ng tubig sa pagitan ng dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water ay noong 1997 pa, sa paglipas ng dalawang dekada ay nanatili sa 60-40 ang hatian ng tubig sa Angat Dam kung saan 1,600 million liters kada araw ang sa ­Manila Water at 2,600 sa Maynilad.

Sa ngayon ay pinamamadali na umano ang proyekto sa pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Quezon Province na popondohan ng China.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy