Una sa Balita

Water interruption, shortage pinaiimbestigahan sa Kamara

By
0 353

INIHAIN sa Kamara ang ilang resolusyon para imbestigahan ang biglaang pagkaputol at kakula­ngan ng supply ng tubig sa National Capital Region (NCR), Cavite at Rizal.

Inihain ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang House Resolution (HR) No. 2518 na humihirit sa House committee on good government and public accountability na magsagawa ng pagdinig para maungkat ang naturang problema.

Samantala, inihain naman ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang HR No. 2520 patungkol din sa usapin na ito ng kakulangan ng supply ng tubig.

Iginiit naman ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin na sa halip na magpukol ng sisi, dapat ay nasa crisis management mode na ang Malacañang.

“Government should be also preparing for the worst. As a perennial phenomenon, El Niño has pro­ven to be catastrophic not only for households but more importantly, to farmers who rely on irrigation to grow their crops.

When that happens, they cannot ­simply point their fingers at the sky,” komento ni ­Villarin. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy