Una sa Balita

Water interruption sa Metro Manila magsisimula na sa Oktubre 24

By
0 1,232

Mag-igib na at mag-ipon ng tubig dahil bukas, Huwebes ng gabi, magsisimula na ang rotational water service interruption ng mga kompanyang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water.

Simula sa gabi ng October 24, 2019, Huwebes, ipapatupad na ang ROTATIONAL WATER SERVICE INTERRUPTION na nakalista sa…

Posted by Maynilad Water Services, Inc. on Tuesday, October 22, 2019

“Ang madalang na pag-ulan sa Angat at Ipo watersheds nitong mga nakaraang araw ang dahilan ng unti-unting pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat at Ipo dams. Bukod dito, nananatili pa rin sa 40 CMS (cubic meters per second) – mula sa normal na 48 cms – ang kasalukuyang alokasyon ng tubig. Kaya naman kapos ang raw water supply na pumapasok sa Ipo Dam at sa water treatment facilities ng Maynilad,” paliwanag ng Maynilad, na kumukuha ng raw water sa mga nasabing dam.

Sa ngayon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nasa 186.23 meters ang level ng Angat Dam ngayong Miyerkoles ng umaga, Oktubre 23, 2019. Kumpara ito sa normal high water level na 210 meters.

Dagdag pa ng weather bureau, nasa 100.43 meters naman ang level ng Ipo Dam, kumpara sa normal high water level nitong 101 meters.

Bahagi rin umano ang pagkaantala ng tubig bilang paghahanda ng Maynilad sa tag-araw sa taong 2020 “sakaling hindi pa rin maabot ang inaasahang 212 meters na water level ng Angat Dam bago matapos ang taon.”

Gayunpaman, gumagawa umano ng paraan ang water company upang maibsan ang epekto ng limitadong supply ng tubig, gaya ng “pagpapagawa ng water treatment at storage facilities, pag-activate ng mga deepwell, supply at pressure management, at pagdaragdag ng mobile treatment plant.”

Narito naman ang mga anunsiyo ng Manila Water noong Lunes sa pagkaantala ng tubig sa Metro Manila at Rizal province.

#TubigAdvisory METRO MANILAKung magpapatuloy ang pagbaba ng lebel ng Angat Dam, posibleng ipatupad ng Manila Water ang…

Posted by Manila Water on Monday, October 21, 2019

#TubigAdvisory RIZAL PROVINCEKung magpapatuloy ang pagbaba ng lebel ng Angat Dam, posibleng ipatupad ng Manila Water…

Posted by Manila Water on Monday, October 21, 2019

“Kami po ay nananawagan at naghihikayat sa aming mga customer na mas maging responsable sa paggamit ng tubig sa loob at maging sa labas man ng ating mga tahanan. Mag-ipon ng tubig habang may makukuha sa inyong mga gripo, at ipunin lamang ang sapat na dami para matugunan ang inyong pangangailangan sa loob ng mga oras na walang tubig,” paalala ng Manila Water.

Kung kailangan, nakahanda naman umanong mag-deliver ng ilang water tanker sa mga apektadong kostumer. May mga nakaistasyon ding static tank sa mga elevated area.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy