Una sa Balita

WATER HIKE

By
0 3

Abiso sa mga maybahay.

Maliban sa pagtaas ng singil sa bayarin sa kuryente, may pagtaas rin sa singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water.

Inanunsyo kahapon ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Joey Yu na ang pagtaas sa halaga ng singil sa tubig ay dahil sa foreign currency differential adjustment (FCDA).

Sinabi ni Yu na ang itataas na presyo sa singil sa tubig ay pinagsamang FCDA para sa 1st at 2nd quarter ng taon.

Ipinaliwanag nito na hindi inaprubahan ng MWSS ang price adjustment para sana sa unang quarter na iminungkahi ng Manila Water na 70 centavos kada cubic meter at sa Maynilad na 37 centavos kada cubic meter.

Dahil ditto, sa buwan ng Abril ay pinagsamang halaga ng 1st Quarter at 2nd Quarter FCDA ang madaragdag sa singil.

Nakatakda namang ianunsyo ng MWSS ang kabuuang halaga ng itataas sa singil sa tubig sa mga susunod na araw.