Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Washing machine tinakbo para sa ‘Bring Me’

0 9

Petmalu ang isang kuya dahil nabitbit niya ang isang washing machine para lang manalo sa “Bring Me Contest” ng kanilang barangay.

Marami ang nagtataka kung bakit itinakbo ng isang lalaki ang washing machine ng kapitbahay para dalhin sa barangay.

Wala namang nagrereklamo sa ginawa ni Dean Lester Penamante, taga-Quezon at nangungupahan sa Barangay 446, Zone 44, Sampaloc, Manila na itinakbo ang washing machine ng kanilang kapitbahay.

Ayon kay Dean, nagpaalam naman siya sa kanilang kapitbahay para hiramin ang washing machine na agad na itinakbo para sa palaro dahil piyesta ng ba­rangay.

Nanalo ito ng P500 at kahati naman pala ang kapitbahay na hiniraman ng washing machine.

Ito kasi ang naisip ng barangay na palaro para ipagdiwang ang kanilang piyesta habang ipinatutu­pad ang COVID-19 protocols. Naka-monitor naman ang barangay sa kanilang CCTV at nakabantay ang mga tanod sa kalsada habang sinasagawa ang laro.

Ayon kay Chairman King Ancheta, lahat ng resi­dente ng barangay ay puwedeng sumali sa palaro at isa lang ang mananalo bawat bahay para naman may kasiyahan sila sa kapistahan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.