Una sa Balita

Wasakin na lamang

By
0 2,972

Tama lang ang utos ni PDu30 na wasakin ang mga mamahaling sasakyan na nasabat ng Bureau of Customs. Sa halip na isubasta, sirain para hindi na mapakinabangan ng mga nagpalusot nito.

Kapag isinubasta, matutuwa lang ang mga smuggler dahil malaki ang tsansa na ang mga puslit na mamahaling sasakyan ay mapunta lamang sa kanila.

Dapat agad ding wasakin o sunugin ang iba pang produktong ipinuslit.

Ang pagdo-donate nito sa mga cha­ritable institution ay delikado, dahil nakalulusot pa rin ang mga sindikato.

Kailangan mara­m­daman ng mga smuggler ang pangil ng batas para matutong magba­yad ng tamang buwis.

***

Inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) at Inter-Agency­ Council for Traffic o i-ACT ang ‘Oplan Alis Bulok, Alis Usok’, para alisin sa kalye ang mga dispalinghadong pampublikong bus at dyip.

Sana seryoso na ang gobyerno sa kampanyang ito dahil marami nang mga oplan ang naipatupad, naging ‘ningas-cogon’ lamang.

Pagkatapos ng ‘media hype,’ balik realidad agad.

***

Malaking hamon talaga para mapatino ang mga tsuper sa kalsada.

Kung magbibigayan­ lamang at maikikintal sa mga motorista  pribado man o publiko  ang tinatawag na ‘road courtesy’, kahit paano ay mababawasan ang pagbubuhol ng mga sasakyan sa kalsada, lalo na kung umuulan at walang mga traffic enforcer na magmamando sa mga ‘intersection.’

Kahit matrapik, kung iiral ang disiplina sa bawat motorista, ang lahat ay makakarating sa patutu­nguhan na walang aberya.

Kaya lang meron pa ring mga motorista  at marami sila  walang pakialam, ‘di bale nang tawaging ‘kapalmuks’,  hataw lang, hindi alin­tana kahit makadisgrasya.

***

Napag-uusapan na rin lamang ang disgrasya, silipin na rin ng i-ACT ang mga pondohan ng mga tricycle. Ang dami nito sa Metro Manila. Masyadong mapanganib ang mga ito, lalo na kung rumaratsada sa mga lugar na bawal sila.

Sa kanilang teritor­yo ‘halimaw’ ang mga ito. Kapag nasagi mo ‘disgrasya’ ka, kung ikaw naman ang masagi, pasensiya ka.

***

Tinatawagan ang lahat ng nagtapos sa Fernando Air Base High School sa Lipa City, Batangas, partikular ang Batch ’81. Gagawin sa ika-27 ng Enero 2018, ang 50th Founding Anniversary ng FABHI na may temang ‘Looking back, Marching Forward’. Makipag-ugnayan lamang sa inyong mga batch presi­dent o kaya kay Miss Elena Lambio sa nu­merong 0927-660-3411.