Una sa Balita

Warriors vs Cavs uli sa kampeonato

By
0 1,984

Minalas ang Houston Rockets sa sariling teritoryo.

Nagpiyesta naman ang dayong si Stephen Curry at ang Golden State Warriors.

Resulta: Fourth straight NBA Finals appearance ng Warriors.

Umiskor si Kevin Durant ng 34, sinindihan muli ni Curry ang third-quarter rally, at tinakbuhan ng Golden State ang Houston 101-92 sa Game 7 ng Western Conference finals Lunes ng gabi.

Habang nagliliyab ang atake ng Warriors, natahimik ang Rockets na walang naipasok sa 27 sunod na bitaw sa 3-point range. Masahol pa sa ice cold ang shooting ng Houston, naging frozen.

Naghabol ng hanggang 15 ang defending champions sa first half.

“We know we can make an 11-point lead evaporate with two minutes of good basketball,” pagyayabang ni Klay Thompson, umayuda ng 19.

Tumapos ng 27 points si Curry, nilista ang 14 sa 33 points ng Warriors sa third.

Ihu-host ng Warriors si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers sa Game 1 Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila) sa pang-apat na sunod din nilang pagkikita sa Finals. Sa Oakland din ang Game 2 sa Linggo.

“We just didn’t have the extra juice that we needed,” bulalas ni James Harden, umiskor ng 32 para sa Rockets.

Wala si court ge­neral Chris Paul (hamstring injury), nabigong makabalik sa Finals ang Houston sa unang pagkakataon sapul noong 1995.

Tulad noong Game 6, nagkalat muli ang Rockets sa second half. Na-outscore ang Houston 122-63 sa second half ng final two games.

Maalat na 7 of 44 sa 3s ang Rockets – 0 for 9 sa long range si Trevor Ariza, 2 for 12 si Eric Gordon at 2 for 13 si Harden.

Sa 3 ni Gordon ay lumamang ang Rockets 42-28 6 ½ minutes pa sa second quarter, pero dumating ang kasunod mula kay PJ Tucker sa fourth na nagsindi sa seven straight points ng Houston para dumikit 89-83.

Pero umiskor ng anim si Durant sa 9-2 spurt ng Golden State tungo sa 97-85 lead 3 minutes pa sa laro.

Huling pumalag ang Rockets nang magkasa ng 7-2 run para lumapit 99-92, pero naubusan na.