Una sa Balita

Warriors tatak kampeon; Finals bisyo ni Lebron

By
0 2,667

Nasa DNA na ng Golden State ang tatak ng isang kampeon. ­Bisyo naman ni LeBron James ang bumiyahe sa NBA Finals taon-taon.

Hinarap ang Warriors sa nakalipas na tatlong taon sa finals, alam na ni James na muling magkukrus ang landas nila. Parehong nangailangan ng Game 7, pero nauna roon si LeBron at ang Cleveland Cavaliers nang isang araw matapos ipagpag ang Boston, bago tinakbuhan ng Warriors ang Houston Rockets.

“Just because of the 18 of a possible 21 finals games that I’ve played against them in the last three years, I figured that they could make it happen,” ani James. “Just their championship DNA.”

Abante Hiring – IT dep

Heto na ang ­Warriors-Cavs 4, siklab ang Game 1 ngayon sa Oakland.

Nasa kalendaryo na ni James ang NBA Finals taon-taon tulad ng birthdays at holidays. Naroon siya lagi, walang palya sa walong sunod na taon – huling tatlo kontra Warriors.

Papasok si James sa round 4 ng Warriors-Cavs na nauungusan ng isa, 2-1.

Matikas ang nila­laro ni James sa postseason, pero underdogs pa rin sila ng Cavs. Nag-a-average siya ng 34 points, 9.2 rebounds at 8.8 assists sa playoffs.

Mas malalim ang talento ng Warriors. May apat na All-Stars sila kina Stephen ­Curry, Klay Thompson, Kevin Durant at Draymond Green. Wala pa si Andre Iguodala (leg contusion) sa Game 1, pero sa lalim ng bench ay may mahuhugot si coach Steve Kerr.

Ang Cavaliers? Ma­lamang wala pa din si Kevin Love (contusion protocol) pero may LeBron sila.