Una sa Balita

Warriors pinutukan ang Magic

By
0 26

Pumutok ang NBA champion Golden State Warriors sa lahat ng anggulo at nilusaw ang ­Orlando Magic, 133-112, Biyernes ng gabi sa Florida.

Pinagdiinan pa rin ng nabulagsak na Warriors, kasama sina Stephen ­Curry na nagpapaga­ling sa makirot na daliri, Kevin Durant at Klay Thompson na pawang gastado ang bukung-bukong at si David West na ramdam ang sakit ng kaliwang tuhod, na astig pa rin sila sa Magic.

Umiskor si Thompson ng 27 points, habang kumonekta si Durant ng 10 sa kanyang 14 shots tungo sa 25 points bago pa man na-eject dahil sa pagtu­ngayaw sa referee matapos ang kanyang basket.

May 23 points si ­Curry, na muling nag­larong may benda sa kanyang ring finger, pang-ibabaw sa 10 assists kung saan maagang kinontrol ng Warriors ang bawat tangkang ahon ng Magic.

Nagdagdag si Draymond Green ng 12 points, 10 assists at tatlong steals at umiskor si Jordan Bell ng career-high 16 points, 4 rebounds at 3 blocks buhat sa bench.

Isinabit ng Warriors ang 62.5 percent sa kanilang birada buhat sa field kung saan naila­tag ang 17-6 baraha. Tinipak nila ang 12-of-24 three-point attempts, ang kanilang ika-7 sunod na laro na may naipukol na hindi bababa sa 10 three-pointers.

Pumuga ang Golden State sa 78-63 lead sa halftime, ang kanilang highest-scoring half ngayong season. Ang kanilang 46 assists ay kulang lang ng isa para sa franchise record.

Hindi nakaahon ang Orlando sa kanilang ­deficit na walong puntos sa second half.

Isang 12-0 pasabog, may tatlong straight baskets ni Thompson, ang nagtulak sa Warriors’ lead sa 10 puntos sa kalagitnaan hanggang sa third quarter at naka­u­ngos, 102-91, papanhik sa fourth.

Pinamunuan ni ­Aaron Gordon ang Magic sa kanyang 29 points at pitong rebounds. Bumatak siya ng lima sa 11 three-pointers. Nagdag­dag si Evan Fournier ng 22 points at nag-ambag si Jonathan Simmons ng 18, pero laglag sa ika-10 sunod ang Magic kontra Warriors.