Una sa Balita

Warriors ‘death lineup’ hinagupit ang Spurs

By
0 527

SOBRANG tibay ng All-Star lineup ng Golden State, wala nang nagawa ang San Antonio.

Hindi matibag ang starters ni Steve Kerr na sina Stephen Curry, Klay Thompson, Kevin Durant, DeMarcus Cousins at Draymond Green, tinaguriang ‘death lineup’, hinagupit ng Warriors ang Spurs 141-102 Miyerkoles ng gabi sa Oakland.

Nagsumite si Kevin Durant ng 23 points, 9 assists at 8 rebounds, may 26 points si Thompson. Si Curry, nag-deliver ng 19 points, 7 assists, 5 rebounds, 2 steals at isang block. Tumira siya ng 7 of 12, may tatlong 3s.

Sa sobrang angas ng lima, hindi na kinaila­ngang ipasok ni Kerr ang starters sa final 12 minutes.

Umiskor ang Warriors ng 49 mula sa 16 assists sa third quarter lang, 5 for 7 sa 3s. Sa payanig na ‘yun ay 24 of 25 sila mula sa field mula second patawid ng third quarters, sa isang yugto ay nagpasok ng 14 straight baskets.

May pinagsamang 20 for 26 sina Durant at Thompson mula long range sa matchup ng NBA top tams sa 3-point ­shooting percentage – nasa unahan ng 38.6 ng Golden State ang 40.5 ng Spurs.

Nabalian ng five-game winning streak ang San Antonio sa 127-112 loss sa Sacramento noong Lunes, ipinahinga ni coach Gregg Popovich sina LaMarcus Aldridge at DeMar DeRozan kontra Warriors. Inumpisahan ng Spurs ang laro na 10 of 15 mula sa floor at 4 for 7 sa labas ng arc bago nagmintis sa sumunod na pitong bitaw.

Walang sablay sa unang­ anim na tira si Durant, may 14 points na sa 4:28 mark ng opening period. Umayuda ng 15 points si DeMarcus Cousins.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy