Una sa Balita

Warrior Flame nanalong hugando

By
0 845

Naging unang winner natin sa pagbukas ng karera nitong Linggo itong si Warrior Flame na pinatungan ni Oneal P. Cortez.

Kagagaling lang niya sa panalo nitong nakaraang Marso 20 at dahil nga isang dehado siya noon, ay marami ang nag-akala na baka naka-tsamba lang siya lalo pa’t 52 kilograms lang ang dinala niyang timbang.

Pero nitong Linggo nga ay ginawa na siyang 56 kilos ang timbang sa kapareho ring hinete na si Cortez.

At lumabas nga siyang primera liyamado maski pa nakalaban na niya ang iba pang kasali sa natu­rang grupo.

Nagpatiuna ang banderistang si Tito Gene at sinundan ni Jebel Ali na noong nakaraan ay siya ang paborito.

Pero pagdating sa hu­ling kurbada ay unti-unti nang lumapit sa mga nauuna itong si Warrior Flame at walang anumang nilagpasan ang mga kalaban at hugando pang nanalo.