Una sa Balita

Warren kay butler: f*ck you!

0 316

NAPAKAINIT ng bakbakan ng Miami at Indiana kahapon sa labang pinagwagian ng Heat, 122-108.

Sa third quarter ng aksiyon, makikitang hinatak ni TJ Warren si Jimmy Butler habang sumasalaksak sa basket na hindi nagustuhan ng huli kaya agad umamba kay Warren pagkapito ng referee ng foul.

Kumalma naman agad si Jimmy matapos silang tawagan ng double-technical foul.

Pagbalik sa hard court ay hindi naiwasan ni TJ na mapikon at hinatulan ito ng taunting na nagdala sa kanya sa pagkaka-eject sa laro.

Kita rin sa ibang tweet na naka-’pakyu’ o dirty finger si TJ kay Jimmy habang ang tanging sagot naman nito ay flying kiss.

“But like I said I think he’s gotta your mouth in sort of situation,” pahayag ni Jimmy sa post-game interview.

“I can guard him, he can’t guard me. At the end of the day that’s where it come down to,” dagdag pa ni Jimmy.

“He gotta see me next time cause I feel like when he says was truly disres­pectful. I a’int scared of nobody.” (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More