Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Warrantless arrest puwede sa mga face mask pasaway – Malacañang

0 61

Binigyang-diin ng Malacañang na may kapangyarihan ang mga pulis na arestuhin ang mga taong hindi maayos ang pagsusuot ng face mask.

Ipinahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na arestuhin, ikulong hanggang siyam na oras at imbestigahan ang mga indibidwal na hindi siniseryoso ang ipinatutupad na minimum health protocol laban sa COVID-19.

“May karapatan ang pulis na mag-apprehend kapag sila mismo ay nakakita o naging testigo sa paglabag ng batas or ordinansa,” sabi ni Roque.

“At ang paglabag sa ating mga minimum health protocols, dahil mayroon tayong ordinansang nagpapatupad niyan ay nagbibigay-daan para nga magkaroon ng outright apprehension, warrantless arrest dahil a crime was committed in the presence and with the full personal knowledge of the police officer,” dagdag ng kalihim. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.