Una sa Balita

Warning ni Dennis kay Gerald: P’re anak ko ‘yan!

0 338

Ang tanong agad tungkol kina Julia Barretto, Gerald Anderson­ at Bea Alonzo ang hinirit ng movie press kay Dennis Padilla sa presscon ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” ng Viva Films. At hindi naman­ nagdamot ang komedyante.
“Siyempre ‘pag anak mo poproteksyunan mo. Sabi ko sa kanya magbakasyon na muna siya. Mag-abroad.

“Sabi ko tigil muna sa social media,” sabi ni ­Dennis.

Sinagot din ni Dennis­ ang tungkol sa pinag-usapan­­­ nila ni Gerald.

“Sabi ko lang sa kanya, ‘Pare anak ko ‘yan’. So alam naman siguro niya ang ibig kong sabihin,” saad ni ­Dennis.

“Pagkatapos binugbog mo?” pabirong sabi ni Janno Gibbs.

“Hindi. Hahaha. Hindi ko kaya ‘yon. Nag-military training siya. Hahaha!” sagot ulit ni Dennis.

Anyway, dahil puro komedyante­ ang mga bida sa pelikula, kung sino-sino nga ang na-mention na artista tulad nina Gerald Acao, Jerald Napoles, Julian Trono, Julia Montes, kaya super tawanan ang lahat.

Juday umaasam ng panibagong project kay Coco

Bitin! More pa sana! Ganiyan ang reaksiyon ng mga manonood sa pagtatapos ng ­chapter ni Judy Ann Santos sa “Ang Probin­syano” ni Coco Martin­.

Pero, wala na nga silang magagawa, dahil pinatay na nga ang karakter ni Juday.

Sunod-sunod nga ang post ni Juday sa Instagram.­ At nakaka­tuwa na ang iba ay sinisisi si Cardo Dalisay sa pagkamatay ng karakter ni Juday.

Heto nga ang sunod-sunod na IG post ng mahusay­ na aktres:

“Maraming sala­mat sa bumubuo ng #FPJAP, mula sa crew, staff and cast. Thank you so much for the very warm welcome from the first till my last taping­ day.. naramdaman ko kung gaano nyo kamahal ang programang­ bumuo sa pamilya ninyo. Salamat sa oppor­tunity na mapabilang sa pamilya ninyo.. na maya­kap at makakwentuhan ang mga tinuring kong tatay tatayan sa industriya, ang makasama uli ang nag iisang Reyna ng pelikulang ­Pilipino, makatrabaho uli ang mga staff and crew na ­nakasama ko noon.. ang sarap sa pakiramdam.

“To my Dreamscape ­family, thank you for trusting me to play a character with multiple persona­lity disorder. ­Hindi sya madali ah. (Ilang gabi akong hindi makatulog kakaisip kung kaya ko ba to at kung paano ko to ­gagawin.) I took on the challenge, inakap ko ng ­buong puso para makatulong magbigay ng karagdagang impormasyon sa mga ganitong klaseng cases ng mental health problem, sana sa maiksing pagganap ko, sama-sama nating tulungan ang mga taong may pinagdadaanan sa ganitong klaseng aspeto.

“Let’s not judge, instead we listen and help… sa mga loyal viewers ng #FPJAP maraming maraming salamat sa buong puso ninyong pagtanggap kina Jane/Lovely/Maureen at Kuya. It was truly a wonderful journey. Mabuhay kayong lahat. Jane/lovely/maureen/ kuya Signing off…” sabi ni Juday.

At siyempre, espesyal ang pasasalamat ni Juday kay Coco Martin.
“Salamat ­@mr.coco­mar­­tin for the chance and trust you have given me.. your passion and love for your craft is undeniable.. kahit tawa ka nang tawa sa mga eksena natin, nakita ko kung gaano ka-importante sayo ang trabaho mo at pamilya mo. Sana nabigyang buhay ko ang papel na binigay mo sa akin.. till our next project..

“Sana by then na-experience mo ng makapagpahinga at enjoyin ang mga naipundar mo. Bilang ate ng 4 na linggo sayo, masaya ko at proud ako sayo. Maraming salamat Cardo Dalisay…”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy