Una sa Balita

Warehouse natupok, P15M naabo

By
0 1,702

Tinatayang nasa P15 miyong halaga ng mga ari-arian ang naabo makaraang masunog ang isang warehouse at mahigit 40 kabahayan ang naapektuhan na umabot na sa 5th alarm kahapon ng madaling-araw sa Barangay Rosario, Pasig City.

Ayon kay Pasig Bureau of Fire chief, Senior Supt. Reynaldo Lorenzo, nakatanggap sila ng tawag na may nagaganap na sunog sa isang warehouse sa Rich Prime Corporation sa kahabaan ng Jenny’s Ave, Westbank Road, Floodway, sakop ng Barangay Rosario na kung saan nagsimula umano ang apoy bandang alas-siete Martes ng gabi hanggang sa umabot ng 5th alarm at nag-fire out bandang alas-dos ng madaling-araw.

Nasa apat katao ang naiulat na nasugatan sa sunog na umano’y nagmula sa warehouse ng distributor ng branded children’s products at umaabot sa 120 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog na karamihan ay hindi na naisalaba ang mga gamit dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Nasa masusing imbestigasyon pa ang Pasig Bureau of Fire Protection (BFP) at inaalam ang sanhi ng sunog matapos makatanggap ng report na isang bata umano ang nakitang nagsusunog ng mga basura.