Una sa Balita

War freak MMDA, inaresto sa Cavite

0 581

SWAK sa kulungan ang isang 30-anyos na miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos magwala, manira at manakit sa isang broker sa Bacoor City, Cavite.

Kasong alarm and scandal, grave threat at malicious mischief ang isinampang kaso laban sa suspek na si Carlo Migrino, binata, ng Brgy. Poblacion 3, Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite dahil sa reklamo ni Joseph Bisana, 38, binata ng Blk. 14 lot 26 Audi St., Greenpoint Homes, Brgy. Mambog 4, Bacoor City.

Sa reklamo ni Bisana kay PO3 Francis Mark Cortez ng Bacoor City Police Station, lasing umanong pumasok ang suspek at nanira ng kagamitan sa loob ng bahay ng biktima dakong alas-tres kahapon nang madaling-araw.
Hindi pa ito nasiyahan, kumuha pa ito ng isang walang laman na bote at ipinukpok sa ulo ng biktima.

Agad namang nagsumbong ang biktima sa kanilang barangay at sa isinagawang follow-up ope­ration ng mga barangay tanod ng Brgy. Maambon­g 3, Bacoor City, Cavite ay naaresto ang suspek. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy