Una sa Balita

War freak dinakma

0 257

KALABOSO ang isang 18-anyos na umawrang siga matapos makorner nang habulin ng mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District (MPD) kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakumpiska rin ang isang sumpak sa suspek na si Joren Mesa Y Bacoto, tambay, taga-Tondo ng mga tauhan ng MPD-District Police Intelligence Ope­ration Unit (DPIOU).

Ayon kay Police Capt. Jervies Soriano, hepe ng DPIOU, may tumawag sa kanilang tanggapan dakong alas-11:00 ng gabi kaugnay sa isang lalaking nagwawala sa kalsada at naghahamon ng away.

Sanhi nito, bineripika ng mga pulis ang sumbong at dito nila nakita ang suspek na may hawak­ na sumpak, nagsisigaw sa kalsada­ at naghahamon ng away.

Ngunit nang makita nito ang mga paparating na pulis ay kaagad na nagtatakbo dahilan para magkaroon pa ng habulan bago ito nakorner. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More