Una sa Balita

Wapakels sa ECQ: 3 tuloy sa sabong, tinimbog

0 362

ARESTADO ang dalawang lalaki habang isa ang nakatakas matapos silang maaktuhang nakikipagsabong sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Barangay Coliling, San Carlos City, Pangasinan noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng San Carlos City Police Station (SCCPS) ang dalawang naaresto na sina Salvador Liquiran, 32, at Michael Cristobal, 32, parehong taga nasabing barangay.

Samantala, ang kanilang kasamahan na mabilis na tumakbo at nakatakas ay si Jefferson Miranda, ng nasabing siyudad.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon.

Ayon sa CCPS, bago maganap ang raid, may tumawag sa telepono na isang concerned citizen ng Barangay Coliling at sinabing may nagtutupada sa kanilang barangay.

Dito, agad na nagsagawa ng raid ang SCCPS at naaktuhang nagsasabong ang mga suspek.

Dinamba ang mga suspek ng mga raiding team ngunit nakaalpas si Miranda.

Dinala sina Liquiran at Cristobal sa SCCPS at kasong anti-illegal gambling at Article 515 of the Revised Penal Code o resistance and disobedience to a person in authority or an agent of such person dahil sa paglabag sa ECQ. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More