Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wapakels kahit walang groom! Bride solong nag-prenup shoot

0 126

Isang bride ang nag-viral nang magsolo ito sa prenup shoot at wapakels kahit walang kasamang groom.

Petmalu pa ang pose ng Cebuanang bride na si Josaly Canubas sa isinagawang prenup photo.

Kuwento ng dalaga, sinubukan niyang mag-prenup kahit walang groom para maramdaman kung ano ang pakiramdam ng kinakasal at nakasuot ng wedding gown. Aniya’y madalas daw kasi siyang maging host sa mga kasalan.

Pero ginawa niya ito para sa #selflove at hindi nito inaasahang papatok ito sa social media.

Nagkaroon naman daw ito ng `lovelife’ pero dahil sa kawalan umano nila ng magic ay nag-no ito sa proposal ng kanyang lover.

Sa ngayon ay higit dalawang taon na siyang single pero walang keber kahit na loveless.

Leave A Reply

Your email address will not be published.