Una sa Balita

Wanted todas sa encounter

By
0 5

Patay ang isang wanted person, habang isang pulis ang sugatan sa naganap na engkwentro sa Calamba City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Calamba City Chief of Police Supt. Fernando Ortega ang napatay na si Oleodie Paner.

Ayon kay Ortega, magse-serve sana sila ng warrant of arrest laban sa suspek dahil sa kasong murder sa hide-out nito sa Barangay Lecheraria nang paputukan nito ang mga pulis.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang magkabilang panig kung saan napatay ang suspek.

Nasugatan naman sa hita si PO2 Edmond Maranan na isinugod sa JP Rizal Hospital.