Una sa Balita

Wanted, timbog sa Cavite

By
0 8

Natimbog ng magka­sanib na pwersa ng Calamba Police station at General Trias police station ang number one most wanted person ng Calamba kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang wanted na si Sabino Bodino Jr. y Cañete, 32-anyos, tubong Lubao, Pampanga at da­ting residente ng Barangay Puting Lupa, Calamba City.

Si Bodino ay natun­ton ng mga pulis sa pinag­ta­taguan nito sa Brgy. Manggahan, Ge­ne­ral ­Trias, Cavite ­bandang alas-7:00 ng gabi kama­kalawa at inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ­inisyu ni Judge ­Maria Florencia Formes-Baculo ng Regional Trial Court Br. 34, ng Calamba City dahil sa ­kasong murder na naganap noong 2014.

Walang inerekomendang piyansa para sa pansamantalang kala­yaan nito.