Una sa Balita

Wanted sa Tanauan, 1 pa tigok sa engkwentro

By
0 11

Dalawang katao ang patay sa engkwentro sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Calamba City Chief of Police Supt. Fernando Ortega ang mga nasawing suspek na si Rene Gonzales, no.4 Most Wanted sa Tanauan City at ang kasama nito na si Anel Dar.

Ayon kay Ortega, dakong ala-1:15, maghahain sana ng warrant of arrest ang Calamba City Police sa hideout ng mga suspek sa Sitio Sto. Niño, Brgy. Mayapa, Calamba City pero sila ay sinalubong ng putok.

Napilitang gumanti ang mga pulis at tumagal ng ilang minuto ang barilan na ikinasawi ng dalawang suspek.

Ayon kay Ortega, si Gonzales ay may warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ni Judge Arcadio Manigbas ng RTC Br.6 ng Tanauan City bukod pa sa pending case na paglabag sa RA 9165 o possession of illegal drugs sa Tanauan City.