Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wanted sa rape, nabitag

0 21

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang senior citizen na wanted sa kasong rape matapos matunton kamakalawa sa Imus, Cavite.

Nakatakdang i-turn over sa Borongan Eastern Samar police ang suspek na si Nerio Afable y Longcop, 62, farm caretaker, tubong Borongan City, Eastern Samar at taga-Sitio Polo, Barangay Anabu 2-C, Imus Cavite.

Si Afable ay nasa top 2 most wanted sa provincial level ng Borlongan, Eastern Samar dahil sa panggagahasa sa kapitbahay nito.

Ayon sa MPD- Police Station 10, nagtago muna ang suspek sa bahay ng kapatid sa Parañaque City. Bumalik ito sa kanyang bahay sa Imus at naging caretaker sa isang lupain.

Alas-4:30 ng hapon nang maaresto ito sa tinutuluyan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.