Una sa Balita

Wanted sa panghahalay ng hipag, timbog

By
0 1,119

Matapos ang mahigit isang taong pagtatago, nahuli na rin ang 30-anyos na lalaki na nanghalay sa kanyang 15-anyos na hipag matapos sumulpot sa kanilang lugar at dalawin ang bagong panganak na asawa, kamakalawa nang gabi sa Pasig City.

Kulungan ang bagsak ni Ronald Russel Santos y Cruz, 30-anyos, residente ng 8 Villarosa St., Sto. Tomas, Pasig City matapos isumbong sa pulisya ng nakakitang kapitbahay ang suspek sa kanilang lugar.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Pasig Police Station Intelligence Unit sa pangunguna ni Supt. Hendrix Mangaldan matapos iutos ni S/Supt. Orlando Yebra, chief of police, ang pang-aresto sa suspek matapos makatanggap ng tip mula sa concerned citizen na nakita umano ito sa kanilang lugar bandang alas-10:15 nang gabi noong Lunes sa San Miguel Avenue.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni C/Supt. Reynaldo Biay, District Director ng Eas­tern Police District, inaresto si Santos sa kasong rape matapos pagsamantala­han ang kanyang 15-an­yos na kapatid ng kanyang asawa, noon pang September, 2016 at agad nagtago sa batas.

Inihain kay Santos ang warrants of arrest na may three counts of Rape in relation to Sec. 5(a) of Republic Act 8369 in three (3) different occasions, with criminal case number R-PSG-18-00005-CR at criminal case No. R-PSG-18-00003-CR na inisyu ni Judge Florian Gregory D Abalajon ng RTC Branch 261 at 159 sa Pasig City.

Swak sa Pasig detention cell ang suspek.