Una sa Balita

Wanted sa pagpatay natunton sa lungga

By
0 277

NASAKOTE ng Pasig Police ang kinikilalang 9th most wanted person matapos hainan ng warrant of arrest nang matiyempuhan sa pinagtataguang lugar sa Barangay Sta. Cruz, Pasig City, kamakalawa ng hapon.

 
Sa report na nakalap mula kay Senior Inspector Roberto Garcia ng station warrant and subpoena section, naaresto ang suspek na si Patrick Angeles Y Gutierrez, 22-anyos, construction worker, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Nicanor Manalo, Jr., Branch 161 Pasig City sa kasong murder na nagawa noong Pebrero 2, 2016. Walang itinakdang piyansa sa kaso nito.

Batay sa report, si Angeles ay inilagay na sa Top 9 most wan­ted person dahil sa kasong pagpatay at nasakote bandang alas-singko kamakalawa ng hapon matapos ang pagpaslang sa nakaalitan sa inuman kasama ang tatlong kaibigan sa Callejon 2, Bara­ngay Sta. Cruz, Pasig City.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa korte para makulong sa Pasig City Jail.