Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wanted sa murder dedbol sa ratratan

0 88

PATAY ang hinihinalang wanted sa kasong murder nang makipagbarilan sa mga otoridad na naghahain ng arrest warrant laban sa kanya sa Alamada, Cotabato, ayon sa Armed Forces Western Mindanao Command.

Kinilala ng Wesmincom ang suspek na si Bayan Guila Dumila o “Boy Army,” na may warrant of arrest sa tatlong kasong murder.

Sinabi ni Wesmincom commander Lt. General Corleto Vinluan Jr. na pinagsanib na pwersa ng 34th Infantry Battalion at Banilisan Police ang nanguna sa operasyon sa Sitio Kabugan sa Barangay Guiling.

Sinabi ng Wesmincom na si Dumila ang unang namaril habang papalapit ang tropa ng pamahalaan sa kanyang bahay kaya nangyari ang engkuwentro. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.