Una sa Balita

Wanted sa Hawaii timbog sa Laguna

By
0 220

Arestado sa Laguna ang isang 52-anyos na US citizen dahil sa kasong sexual assault sa Hawaii.

Si Jimmy Cinense, isang US citizen, tubong Guimba, Nueva Ecija at kasalukuyang residente ng Looc, Calamba City, Laguna ay inaresto kamakalawa ng mga tauhan ng Laguna PIB, Calamba Police mga taga Bureau of Immigration and Deportation at ng mga tauhan ng US Embassy na pinamumunuan ng isang Thea Tolentino.

Ito ay sa bisa ng Grand Jury Bench Warrant na inisyu ni Judge Richard Perkins ng Circuit Court of the First Circuit, State of Hawai’i, sa kasong “Three counts of sexual assault and Continuous Sexual Assault of a minor Under the age of fourteen years” sa insidente na nagyari sa Hawaii.

Si Cinense ay inerekomendanng maglagak ng piyansang $250,000.00 na katumbas ng humigit kumulang sa P11,796,375.00.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy