Una sa Balita

Wanted: Partner para kina Kyline, Therese

0 844

Ni: Glenn Regondola

Nakapag-taping na ng ilang eksena ang “Inagaw Na Bituin” nina Kyline Alcantara at Therese Malvar, pero hindi pa talaga ito in full blast.

Wala pang eksenang malalaki ang dalawang prin­sesita sa aktingan at hindi pa sila nagkakabugan dahil ang alam namin ay puro eksena pa lamang ng kantahan ang nakunan.

Bukod dito kulang pa sila ng dalawang leading man at wala pa silang napipili sa roster of Kapuso actors.

Siyempre, bukod sa magaling din umarte, kaila­ngan talaga ay yung may makikitang chemistry ang mapipili for any of the two lead actresses.

Ang balita pa ay magpapa-audition ang Inagaw team sa mga undiscovered talent outside GMA Artist Center kung talagang kinakailangan na baka gawin na rin nilang contract artist eventually.

Kunsabagay, okey rin ang ganito dahil sa ngayon, iilan lang talaga ang masasabing leading man material ang nasa Artist Center at ang iba rito ay kailangan pang i-acting workshop nang husto para maka-le­vel sa acting prowess ng dalawang drama princesses ng Kapuso network.

Kami rin ang excited nang makita ang mga pasabog nina Ky at Therese sa madramang eksena dahil alam naming hindi kami madi-disappoint, noh!

‘Yun na!

Derrick gustong tikman ni Super Tekla

Nang biruin namin ang anak-anakan naming si Derrick Monasterio tungkol sa halos araw-araw niyang pagpapaelya sa ating mga shofatid dahil sa araw-araw din niyang pagpo-post ng kanyang mga sexy photo, ang pabiro niyang sagot ay “O, ‘di ba Tito ‘yun ang gusto nila? Ha!Ha!Ha!”

Siguro nga talaga ay kanya-kanyang trip lang ‘yun, pero in fairness naman, may “K” naman siya sa departamentong ‘yan, noh!

Puwede naman siguro ito na may kinalaman sa bagong movie niya na “Kambal Karnabal” ng GMA Films dahil ang kuwento dito ay pinag-aagawan siya ng komedyanteng si Tekla at ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez. Type ngang tikman nina Tekla at Kim ang pag-ibig ng binata.

Para naman ma-justify na talagang karapat-dapat siyang pag-agawan, kailangan niya pang mas lalong pagandahin ang kanyang katawan.

Ngayong araw na ito ang first shoo­ting day ng “Kambal Karnabal.”

Buhay na buhay na naman ang dugo ni Derrick dahil abala na naman siya sa paggawa ng movie kung saan may isa pa siyang nakalinya habang naghihintay ng regular TV show sa Kapuso network.

Korekek!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy