Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wanted na Taiwanese nakorner sa Quezon

0 72

Isang Taiwanese na 17 taon nang pinaghahanap sa kanyang bansa sa kasong attempted murder ang nadakma ng mga awtoridad sa Real, Quezon.

Sa ulat ng Bureau of Immigration (BI) ngayong Miyerkoles, nahuli si Huang Kuan-I, 53, noong Oktubre 11.

Taong 2004 pa umano nang masampahan ng kaso si Huang sa Taiwan matapos barilin ang kanyang nakaalitan.

Napag-alaman din na dalawang taon nang paso ang kanyang pasaporte. Taong 2009 siya dumating sa Pilipinas.

“Aside from being an undesirable alien, he will also be deported for being an undocumented alien because his passport already expired in February 2019 and has not been renewed since,” pahayag ni BI-fugitive search unit (FSU) acting chief Rendel Ryan Sy.

Sa ngayon ay nakadetine si Huang sa BI warden facility habang inaasikaso ang kanyang deportation. Hindi na rin siya papayagang makapasok ng Pilipinas. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.