Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wanted na dayuhan nakorner sa Las Piñas

0 60

Nadakma ng mga awtoridad sa Las Piñas ang Koreano na wanted dahil sa panloloko sa isang niyang kababayan.

Kinilala ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang 49-anyos na pugante na si Kim Dong Woo na nahuli noong Lunes, ng Fugitive Search Unit (FSU) ng ahensiya.

Sinabi ni Morente na si Kim ay ibabalik sa Korea upang harapin ang mga akusasyon laban sa kanya, alinsunod na sa inilabas na summary deportation noong nakaraang buwan.

Nabatid na si Kim ay nasa listahan ng pinaghahanap ng kanyang gobyerno mula noong tumakas ito patungo sa Pilipinas noong Pebrero 2018 upang iwasan ang kasong pandaraya na isinampa laban sa kanya.

Sa impormasyon mula sa database ng BI Interpol, noong 2015 inalok ni Kim ang isang biktima na ipahiram sa kanya ang 65 milyong won, o halos US $58,000 para sa negosyo umano niya.

Nangako si Kim sa biktima na magbabayad ng 20 porsiyento na interes para sa utang.

Gayunman, tumakas ito sa Maynila makalipas ang dalawang taon nang malaman na isang reklamong kriminal ang isinampa laban sa kanya.

Pansamantalang ikinulong ang Korea­no sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportasyon. (Mina Navarro)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.