Most wanted, 1 pa timbog

By

Dalawang lalaki kabilang ang isang ‘number 8 most wanted’ ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na anti-criminality operation sa Taguig at Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon­ sa Taguig City Police ang suspek na si Anacito Muralla na gumagamit ng mga alyas na Butcho at Joker, 36, nakatira sa #22 Banana St., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Nakumpiska kay Muralla ang isang kalibre .38 baril at mga bala sa isang Oplan Sita na isinagawa ng mga pulis alas-siete kamakalawa ng gabi sa Mulawin St., Purok 5 ng nabanggit na barangay.

Samantala, nadakip naman ng Las Piñas City Police ang ‘number 8 most wanted’ na si Ryan Michael Cuachon, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC).

Si Cuachon ay nahaharap sa kasong pagnanakaw na nakakulong na nga­yon sa Las Piñas City Jail.

SHARE