Una sa Balita

Wanda Teo kasuhan ng Plunder

By
0 3,329

HINDI sapat na mag-resign o sibakin lamang sa puwesto si Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Tulfo-Teo sa halip ay dapat itong sampahan kasong plunder.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV kaugnay sa kontrobersyal na P60 million advertisement ng DOT sa PTV 4, partikular sa programa ng mga kapatid ni Teo na sina Ben at Erwin Tulfo.

“Sa akin hindi lang dapat mag-resign, dapat makasuhan,” diin ni Trillanes.

Sinabi ni Trillanes na maghahain din siya ng resolusyon para imbestigahan ang isyu upang malaman kung gaano pa kalaking budget ang naabuso sa DOT.

“Magpa-file din ako within the next few days ng resolution to investigate itong scam dito sa DOT na ‘yung advertisement budget ay napupunta du’n sa kapatid particularly sa Tulfo brothers na kapatid ni Sec Teo. Ito ay plunder ‘pag titignan natin but more importantly gusto nating malaman gaano pa kalaking budget ang naabuso dito sa DOT dahil iba’t ibang isyu ang luma­labas,” sabi ni Trillanes.

Hindi rin tanggap ni Trillanes ang simpleng pagsasauli lamang ng perang isinasangkot sa kontrobersya dahil maituturing na rin anya itong pag-amin sa krimen na dapat papanagutan.

“‘Pag sinoli nila ibig sabihin alam nila na mali ang ginawa nila. Hindi puwedeng, ang equivalent niyan, ang analogy niyan para kang nagnakaw, nu’ng nahuli ka, sinoli mo, hindi gawa na ‘yung krimen, in fact ‘yung kanilang sinasabi na ‘yan is an admission that they have committed a crime so kailangan maungkat ito baka hindi lang ‘yan ang pondong naabuso diyan,” dagdag ng senador.

Iginiit din ni Senador Nancy Binay ang pagsisiyasat sa advertising deal ng DOT at PTV 4 para linawin ang mga isyu sa pag-aapruba sa mga advertisement at ano ang mga terms of refe­rence sa mga kasunduan.

Sa kanyang resolus­yon, iginiit ni Binay na imbestigahan ang paggastos ng DOT sa advertising at marketing.

“Siguro kailangan natin alamin kung paano nila nira-rationalize ang local advertising placements and if they are congruent with the strategic marketing and media plans of the department,” giit ng senador.

Nais din nito malaman kung may mga resulta ang paglalagay ng advertisement at ano ang kaibahan ito sa placement ng Tourism Promotions Board (TPB).

Inihayag naman ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao na lutang na lutang ang conflict of interest sa P60 million advertisement deal ng DOT sa PTV 4 kasunod ng pahayag kahapon ng abogado at tagapagsalita ni Teo na si Atty. Ferdinand Topacio na isasauli na lamang ng mga kapatid ng kalihim ang P60 milyon.

“Nakausap ko si Mr. Ben Tulfo, kanina lamang po, sinabi niya na napagpasyhan po nila (magkakapatid) na bagama’t wala po sa kanya ‘yong P60 million dahil nagastos na po, gagawa po sila ng paraan at io-offer na nila na ibalik na po up to the last centavo kung ano man ang naibayad sa kanila ng PTV 4,” ayon kay Topacio.

Pero iginiit na walang iregularidad at malisya sa naturang ad placement at ang gagawing pagsasauli ng pera ay pagpapakita aniya ng ‘good faith’ at ‘goodwill’.

“(It) is an admission of conflict of interest, thus, in the spirit of delicadeza, the embattled cabinet secretary should resign,” reaksiyon ni Casilao na isa sa mga naunang nanawagan na mag-resign na si Teo.

“It will not efface the accountability of Sec. Teo for the improper transaction. She should still resign,” ani ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio.

“It’s an afterthought when all things weigh against them not because their hands are clean. But again it doesn’t exculpate them from such wrongful acts and the Malacañang investigation of the DOT-PTNI/Bitag Media P60M deal should lead to a conclusive ending. The best option still is for Secretary Teo to resign. So, she won’t force the hand of President Duterte to axe her,” pahayag ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin.