Una sa Balita

Wanda, Ben, PTV swak sa katiwalian

By
0 1,592

NANGAKO si Senador Richard Gordon na maglalabas ng preliminary report ang Blue Ribbon Committee hinggil sa imbestigasyon nito sa kontrobersiyal na advertisement ng Department of Tourism (DOT) sa PTV-4 partikular sa programang ‘Kilos Pronto’ ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo. 

Ayon kay Gordon, uunahin na nilang ilabas ang kanilang rekomendasyon hinggil sa naturang usapin kahit hindi pa tapos ang pagsisiyasat nila sa iba pang isyu sa DOT.

“We will come out with preliminary report dahil nagpapatong-patong na hawak ko,” saad ni Gordon.
Magiging malinaw anya sa kanilang rekomendasyon ang conflict of interest sa pagitan ng DOT, PTV-4 at ng Bitag Media Unlimited Incorporated.

Abante Hiring – IT dep

“Lumalabas na may conflict of interest at pasok sa anti-graft and corruption dahil magkapatid sila (da­ting Secretary Wanda Tulfo-Teo at Ben Tulfo). Alam naman ni Ben na kalihim ng DOT si ­Wanda at alam naman ni Wanda na may prog­ram si Ben at alam ng PTV-4 na magkapatid sila pero itinuloy pa rin ang kontrata,” paliwanag ni Gordon.