Una sa Balita

Walwal nauwi sa rape

By
0 1,076

NAWALA ang kalasingan ng isang bebot nang gahasain siya ng katrabaho at kainuman makaraang mag-away ang dalawa sa loob ng isang motel sa Mandaluyong City kamakalawa.

Sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), kapwa dinala sa tanggapan ng Mandaluyong Police Station ang biktima na itinatago sa pangalang Nelia, 18-anyos at ang suspek na si Manulito Nardo Jr. y Dela Cruz, 20, kapwa estudyante at service crew ng McDonalds.

Ayon sa report, nag-away umano ang da­lawa habang nasa loob ng Nice Hotel sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City bandang ala-1:56 Lunes nang madaling-araw at pinasok ng hotel staff dahil sa malakas na pagtatalo at pag-iyak ng babae.

Agad na dinala ang dalawa sa Barangay Highway Hills para ireklamo at doon na na­laman ang panggagahasa ng suspek sa katrabaho.

Nabatid na galing ang dalawa sa inuman kasama ang ilang katrabaho sa isang bahay sa Barangay Addition Hills at nang malasing na ang biktima ay nag-alok na ihahatid ng suspek ang biktima subalit dadaan daw muna sila sa bahay ng suspek para kumuha ng pera.

Pumayag naman ang biktima at sabay na sumakay ng taxi. Hindi inakala ng biktima na dadalhin siya sa motel ng kasama at doon na naganap ang panghahalay. Nang mahimasmasan ay nagtalo na ang dalawa hanggang sa pasukin na sila ng staff ng motel.

Nahaharap sa kasong alleged rape ang suspek at nakakulong sa Mandaluyong detention cell habang hinihintay ang pagdinig ng kaso sa City Prosecutor’s Office.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy