Una sa Balita

Walker nag-init; Dyip flat sa Elite

By
0 327

NAGPALAKAS ng kapit sa top 4 ng PBA Governors Cup ang Blackwater nang sagasaan ang Columbian Dyip 120-99 sa Alonte Sports Arena sa Biñan Sabado ng gabi.

Sampa sa 8-3 ang Elite, hihintayin ang mga resulta ng iba pang laro bago masiguro ang kapalaran.

Twice-to-beat ang Nos. 1-4 laban sa 5-8 sa quarterfinals.

Nakasiguro na sa bonus ang Magnolia (8-2), kaagawan ng Blackwater sa tatlo pang natitirang incentive ang Ginebra (7-2), Alaska (7-3) at San Miguel Beer (5-4).

Perpektong 9 of 9 mula sa field at 3 for 3 sa long range si Henry Walker tungo sa 26 points para pangunahan ang limang bataan ni coach Bong Ramos na nagsumite ng 11 pataas.

May 16 points si Mac Belo off the bench, tig-13 sina Allein Maliksi at Paul Zamar, 11 kay Mike Digregorio.

Solidong 28 points at 10 rebounds ang produksiyon ni Akeem Wright para sa Columbian, tinapos sa 1-10 ang kampanya sa season-ending conference.
Tinapos ng Blackwater ang first quarter na nasa unahan 33-20, pinabuka sa 63-41 sa break at hindi na bumitaw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy