Una sa Balita

Walker, Kanter rampa sa Celtics

0 317

NAWALA sina Kyrie Irving at Al Horford, gumawa agad ng paraan ang Boston para mapagsama sa Celtics sina Enes Kanter at Kemba Walker.

Ipinakilala na ng Celtics si Wal-ker bilang bagong point guard nila, gagamitin naman ni Kanter ang No. 11 na huling isinuot ni Irving. ‘Yun din ang numero ni Kanter sa Oklahoma City noong 2016-17.

“I want to be the reason no one else wears it,” may halong birong sabi ni Kanter na ikinatawa ng mga nasa introductory news conference.

Patama ‘yun kay Irving na nagsabi noon na gusto niyang i-retiro ng Celtics ang kanyang numero dahil balak niya raw tapusin na rin ang career sa Boston. Pero makalipas ang dalawang taon sapul nang magpa-trade mula Cleveland, nagdesisyon siyang tumalon sa Brooklyn Nets para makasama si Kevin Durant.

Si Horford ay lumipat na rin sa Philadelphia 76ers.

Nakarating sa East finals ang Celtics noong isang taon kahit injured si Irving. Wala na siyang iniinda nitong nagdaang season pero hanggang second round lang ang inabot ng Boston.

Pinapirma si Walker ng four-year, $141 million deal – mas mababa ng $80 million sa matatanggap sana niya sa Charlotte Hornets.

Nitong Miyerkoles din ay mu-ling pinapirma ng Celtics sina forward Daniel Theis at guard Brad Wanamaker. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy