Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walk-in swabbing awat muna sa Navotas

0 70

Ceasefire muna ang pagsasagawa ng walk-in sa libreng RT-PCR testing sa Navotas City.

Ito ang inanunsyo ng pamahalaang lokal makaraang may ilang kasapi ng swabbing team na nagpositibo sa COVID-19.

Sa pangyayaring iyon, kulang ang personnel na magsasagawa ng walk-in swabbing na ginaganap sa Navotas City Sports Complex, kaya magiging ekslusibo muna ang swabbing sa mga close contact ng mga mahuhuling violator sa mga ipinatutupad na quarantine protocol.

Naka-isolate na ang mga kawani na nagpositibo sa virus at asymptomatic.

Ang walk-in swabbing ay isa sa mga paraan ng Navotas City local government unit para mapababa ang kaso ng coronavirus sa lungsod.

Kahit hindi residente ng lungsod pero sa doon naghahanapbuhay ay inaalok ng libreng swab test. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.