Una sa Balita

Walastik si Obiena

0 201

Hi YANGsters!

FINALLY! May nakapasok nang Philippine National athlete sa 2020 Summer Olympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan.

Ito ay sa katauhan ni National pole vaulter Ernest John Obiena matapos siyang tumalon ng 5.81 meters sa Salto Con L’asta in Piazza Chiari 2019 sa Italy kung saan nahigitan pa nito ng 0.01 meter ang 5.80 meters Olympic qualifying mark dahilan para siya ang maging kauna-unahang Pilipino na nakapag-qualify sa Tokyo Olympiad.

Buhat noong Abril sa Asian Athletics Championships sa Doha, Qatar ay walastik na ang performance ni Obiena nakasungkit ng gintong medalya sa okasyon dahil sa kanyang 5.71 meters leap na siyang bagong Philippine record din sa ng men’s pole vault event.

Sinundan ito ng 23 years old ng isa pang gintong medalya mula sa 2019 Universiade sa Napoli, Italy kung saan ay nagawa niyang burahin ang kanyang sariling National mark matapos na maglista ng 5.76 meters nito lamang Hulyo.

Three years ago nang una kong ma-meet si EJ. It was also the same year na nangangarap pa lang siyang maging isang ganap na Olympian. Target niya noon ay ang makalaro sa 2016 Rio de Janeiro Olympics pero nabigo siyang makapasok noon.

Nasundan ito ng panibagong frustrations dahil naputol ang kanyang ginagamit na training poles dala ng isang airline. At nagkamit naman ng ACL injury noong 2017 kung kaya’t hindi siya nakalahok noong 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang sarap lang isipin na lahat ng disappointment na dumating kay EJ ay ginawa niyang motivation para maabot ang kanyang ultimate goal na makapaglaro sa Olympics.

Sana all!

Kudos din kay Ukrainian coach Vitaly Petrov sa pag-guide kay EJ sa kanyang journey hanggang sa ma-meet ang ultimate goal.

Next target: Olympic gold!

Congrats EJ! Simula pa lang ito ng mas puspos na training para sa asam nating lahat na Olympic gold medal. Good luck sa iba pang National athlete na sasabak sa kani-kanilang Olympic qualifying tournament.

Mabuhay po kayong lahat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy