Una sa Balita

Walastik si bulinggit!

0 597

F2 Logistics libero Dawn Macandili
Ni Janiel Abby
Toralba

MAY taas lang na limang talampakan, pero huwag kayong magpapabulag sa kayang gawin sa court ni F2 ­Logistics libero Dawn Macandili.

Nagda-dive, sumusubsob at gumugulong sa court ang bulinggit pero walastik na player tuwing mayroon silang laban.

Kung depensa sa volleyball lang ang pag-uusap, una na diyan si Dawn.

Pero hindi alam ng marami, sumubok muna ng ibang sport si “Ms. Everywhere” gaya ng tennis ngunit giniit nito na “volleyball ‘yung first and last love ko.”

Kapag wala sa ensayo, sa pagluluto ­naman bumibida ang Batangas-native defender na kanyang ibinabahagi sa social media.

Certified pet lover rin ito sa kanilang dalawang alagang aso na isang shih tzu at isang mini pinscher.

Mahilig ang 23-year-old sa paliligo sa dagat kung saan inila­rawan nito na isa siyang “batang beach”.

Pagdating sa mga laro, walang inaatrasan si Macandili kung saan isa ito sa naging key player sa kampeonato ng DLSU Lady Spikers at F2 Logistics Cargo Movers.

Sa ginanap naman na 30th Southeast Asian Games sa bansa, taas noo ring ibinandera ni Macandili ang Philippine national women’s volleyball team.

Hindi man nakatungtong sa podium ng biennial event, ipinamalas naman ni Macandili ang pusong taglay ng bawat Filipino athlete.

Muling magpapasiklab si Macandili sa gaganaping Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 simula Pebrero 29.

Q&A

Abante: Ano ang best part ng pagiging libero?

Dawn: I touched the first ball and when that ball was set up very nice, perfectly, talagang baon at nakapuntos ‘yung hit na ‘yun, sobrang sarap sa feeling kasi parang ako na rin ‘yung pumuntos.”

Abante: Ano ang mga sakripisyo mo bilang isang atleta?

Dawn: ‘Yung time with fa­mily. Time with friends. ‘Yung just going out, that’s the sacrifices na kailangan mo talagang i-give up to have more.

Madaming hindi alam ang mga tao na kailangang gawin ng isang player, hindi lang pumunta ng training at pumunta ng game. Madami kaming ginagawang extra para lang ma-maintain ‘yung kondisyon namin kasi hindi na kami college player.

Abante: Ano ang best advice na ibinigay ng longtime mentor mo na si multi-awarded coach Ramil de Jesus?

Dawn: ‘Yung magtiwala lang sa sarili. Kasi minsan sa pressure ng game, masyado akong ­naninigas. I just have to find it in myself ‘yung tiwala na ibinigay sa akin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More