Una sa Balita

Walang tubig

By
0 6

Makararanas ng ka­walan ng tubig nga­yong araw ang ilang bahagi ng Taguig, Pateros, at Pasig.

Ito ang inianunsyo ng Manila Water na nagsabing sa kadahilanan ay papalitan ng tubo at magkakaroon ng relocation works sa Parian Creek sa Barangay Kapasigan sa Pasig City.

Magsisimula ­bandang alas-otso ngayong gabi hanggang alas-sais ng umaga sa araw ng Martes.

Dahil dito, mawawalan ng suplay ng ­tubig ang buong Pateros at ang mga barangay sa Pasig City kabilang ang Kapasigan, San Jose, Sta. Rosa, Sta. Cruz, Sto. Tomas, Bambang, San Joaquin, Calawaan, at Munti.

Habang sa Taguig City naman ay mawawalan ng suplay ng tubig sa Usuan, Tuktukan, Sta. Ana, Ibayo Tipas, ­Ligid Tipas, Napindan, Pali­ngon, Calzada, Wawa, San Miguel, Hagonoy, Bambang, bahagi ng New Lower at Lower ­Bicutan.

Dahil dito, ­pinayuhan na ang mga residente sa lugar na mag-imbak na ng tubig na gagamitin bilang paghahanda.