Una sa Balita

Walang trabaho: Female personality inatake ng depresyon

By
0 820

May mga pagkakataon palang inaabot ng depresyon ang isang female personality dahil sa bagal ng takbo ng kanyang career.

Nabigla kasi siya, mula sa isang kumpetisyon ay na­ging sunud-sunod ang kanyang mga proyekto pero nagkaroon ng mga pagbabago, biglang nagarahe ang kanyang career.

Maganda siya, matangkad, magaling din siyang umarte. Puwede nga siyang sumali sa beauty contest dahil kumpleto siya sa mga katangian.

Kuwento ng aming source, understandable naman ang nararamdaman niya ngayon, kasi nga, nu’ng bagong salta pa lang siya, e, sa kanya nakatutok ang attention ng home network niya.

“Ang dami-dami niyang trabaho, halos wala na siyang pahi­nga, siya ang bida sa mga projects na ‘yun. Pero naunsiyami ang lahat nu’ng magbago ng atake ang network niya, kaya lumipat siya sa ibang istasyon.

“E, sa nilipatan niya, e, napakasikip ng chance na bumida uli siya sa mga pro­jects na ibibigay sa kanya. Parang palengke sa dami ng mga artista sa network na nilipatan niya! Sampu-sampera ang mga kalaban niya!

“So, medyo naging malagihay ang career niya, minsang meron siyang work, pero mas matagal na wala siyang ginagawa. ‘Yun ang ikinalulungkot niya,” paliwanag ng aming source.

“May mga panahon palang gusto na niyang sumuko, gusto na niyang huminto sa pag-aartista, pero kinokontra naman sya ng mga naniniwala na kailangan lang niyang maghintay.

“Sayang naman kasi ang pinasimulan niya. Kilala na siya, may talento siya, kaya kailangan lang niyang hintayin ang time na para sa kanya.

“Hindi naman palaging blue ang kulay ng mundo, nagbabagu-bago ‘yun, kaya malay mo bukas-makalawa, e, dumating na rin ang tamang panahon uli para sa kanya,” payo ng aming source.