Una sa Balita

Walang tiwala sa BF

By
0 21

Masugid akong tagabasa ng column mo sa Abante. Ano ang tawag sa home test kit para sa HIV/AIDS? May boyfriend ako. Siya ang una ko pero wala akong tiwala sa kanya. — Gim.

***

Bakit naman wala kang tiwala? May dahilan ba para magduda ka? Kung gayon, maaring bumili ng iba’t ibang brand ng HIV home test kit sa botika o mag-order online at i-dedeliver ito sa bahay. I-check kung ito ay aprubado ng US Food and Drug Administration o ibang mapagkakatiwalaang medical organization para hindi masayang ang pera.

Abante Hiring – IT dep

May dalawang paraan para ma-test ka. Pwedeng tusukin ang daliri para makakuha ng blood sample at ipadala ito sa laboratoryo para ma-analyze o kasama sa kit ang pag-analyze nito.

Sa isang test, kukuha ka ng sample fluid sa bibig upang makita kung may HIV. Sa dalawang tests, malalaman ang resulta sa loob ng ilang minuto pwera lang kung ipapadala sa laboratoryo.

Dahil hindi agad makikita ang HIV sa katawan, kailangan ulitin ang nasabing test sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan para makasiguro. Dito makikita kung tala­gang may sakit ka.

***

Okay lang ba kung mag-oral sex si misis sa akin? Hindi kaya ako magkasakit? — Gerald Sombrero.

***

Kung walang sakit si misis, okay lang. Kung meron, patay kang bata ka! Pero kung malusog kayong pareho, walang dapat ikatakot. Sa totoo lang, mas madaming bacteria sa bibig kaysa sex organs kaya huwag isipin na madumi ang ari pwera lang siguro kung hindi ka naghuhugas!

***

Nakakasama ba ang Coke Zero sa taong may diabetes? –Nuel ng Cavite.

***

Hindi masama ang Coke Zero sa diabetes, ayon sa American Diabetes Association. Pwedeng uminom ng zero calorie drinks tulad ng Coke Zero kahit may diabetes dahil wala itong asukal. Artificial sweetener ang ginagamit nito at wala rin carbohydrates kaya hindi tataas ang blood sugar levels sa katawan.

Huwag lang haluan ng ibang matamis na pagkain para safe ka. Dahil hindi masustansiya ang mga soft drinks, huwag inumin ito lagi. Maganda din ang tubig, unsweetened iced o hot tea, at sparkling o infused water.

***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com, mag-text sa 09359720691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo dito. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.