Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walang time sa sariling anak? Ellen sinopla basher, todo tanggol kay Derek

0 18

Sinopla agad ni Ellen Adarna ang mga netizen na nagbabalak lagyan ng kulay ang madalas na pagsasama nila ni Derek Ramsay, Elias, anak ni John Lloyd Cruz, samantalang ni hindi nakikitang kasama si Austin, anak ni Derek.

Ramdam agad ni Ellen na may ibig sabihin ang chika ng mga netizen na, “Sana next time kasama na si Austin!” dahil parang sinasabi nga agad-agad na mabuti pa ang anak ni John Lloyd palaging kasama ni Derek, samantalang ang tunay na anak ni Derek ay hindi nakikita na kasama nila lalo na sa mga masasayang lakad nila.

Kaya sagot agad ni Ellen sa kanila: “If Austin was here in the Philippines, he’d be with us. But he is in Dubai right now. FYI sa mga chismosa meme lang.!”

Well, palaban nga si Ellen sa mga netizen na pakiramdam niya ay ginagawan sila ng intriga. Tulad nga noong may mga nag-comment na kesyo bakit pinu-post ni Ellen ang video na kinurot ni Elias ang ‘nota’ I Derek, na hindi nga raw magandang tingnan.

Sagot agad ni Ellen sa kanila, ‘bakit pinapalamon mo ba kami para utusan?’ Hahahaha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.