Una sa Balita

Walang tigil na ulan ibinabala

By
0 126

Posibleng dumanas ng pagbabaha sa darating na mga araw ang rehiyon ng Luzon dahil sa malakas at walang tigil na pag-uulan.

Babala ito ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dahil apektado ng frontal system ang Luzon kaya naman asahan na ang pag-iral ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan at pagkidlat sa Batanes province, Ilocos at Cordillera Regions.

Ang malakas na pag-ulan ay posible umanong magdala ng flashfloods at landslides sa ilang area sa malaking bahagi ng nasabing rehiyon.

Samantala, makakaranas naman ang Central Luzon at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley Region ng maulap na kalangitan na may kasamang katamtamang pag-ulan at pagkidlat dahil naman sa southwest monsoon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy